Thursday, 24 February 2011


   ako noong 2 years old

            Ako po si Yiecell Javier Villanueva.Isinilang nuong Nov. 19,1993 s Brgy. Lalig Quezon.Ang aking mga magulang ay sina Ma. Ayie Javier at Cesar Villanueva.Panganay sa apat n magkakapatid,dalawa babae at lalaki.

Lumaki ako sa pag aalaga ng tiya ko dahil noon ay laging abala ang mame ko.Katulad ng ibang bata ako ay makulit,malikot at laging umiiyak.Madalas ikwento sakin ng mame ko at ng iba kong tiya.Kapag hindi nasusunod ang aking gusto ay ngagalit ako s kanila at inaaway ko sila at kapag ako aman inaaway ng mga tiyo ko nagagalit ang mama ko at katakot takot ng sermon inaabot nila.
Take note nalito kayo s mame at mama na nakalagay. Ang tinutukoy kong mame ay ang totoo kong ina at ang mama naman ay yung tiya ko n siya nag.alaga skin hanggang mag.asawa siya.

Kinunan ito noong manalo ako sa isang paligsahan ng pagandahan para sa mga bata.Sa tuwing makikita ko ito natatawa ako dahil mas mataas pa sa akin ang tropi.


Ako`y bata palang ako mahilig na akong gumuhit ng mga anime character.Hindi lang gumuhit kundi manuod nito.Naimpluwensyahan ako ng pinsan kong si ate joy,namangha ako sa kanyang mga ginuhit bukod sa maganda ay nararamdaman mo ang kaseryosohan o ang hilig nya dito.Simula noon ay gumuguhit na din ako,isang maganda hobby na rin ito para hindi ako malulong sa masamang bisyo o Gawain.



 4 years old ako



Grade 4 ako noong malipat ako sa isang public school.Dito ko nalaman na iba ang buhay studyante s private at public.Sa private kasi nakaaircon ka, konti lang ang classmate mo at iba ang mga subjects.Sa public aman madami na nga kayo sa room maingay pa at magulo.Pero kahit ganto narealize ko na Masaya din silang kasama,madami akong natutunang laro,gaya ng holen,sipa lata at madami pang iba.Natutunan ko din maging matapang at labanan ang mga classmate kong madalas akong asarin or lokohin.Sumali din ako sa Palarong panlunsod,ang aking sport ay table tennis.



 
ako noong graduation at ang aking guro

Ang huling taon ko sa elementary ay naging malungkot naisip ko mahihiwalay na ako sa mga taong naging bahagi ng masasayang araw sa buhay ko.Sa iba`t ibang school na kami papasok,hindi na kami makakapag usap or kwetuhan man lamang habang nag aaral kami.Pero ang pinakamalungkot noon ay isang linggo bago ang February 14 namatay ang isa kong kamag aral dahil sa tuklaw ng ahas.Kahit na malungkot ang bawat sandali naging masaya ako sa aming pagtatapos kasama ako sa top 10,hindi naman ito 1st or 2nd honor maipapagmamalaki ko pa rin ito dahil katunayan ito na ginawa ko ang aking makakaya sa mga araw n pananatili ko sa aming paaralan.

Ako ay 1st year highschool,dhil sa Alaminos kami nakatira kinakailangan kong munang tumira sa aking tiya dito malapit sa school ng Dizon.Iba ang buhay elementarya sa highschool.kung sa elementary puro laro ngaun puro araw ang kailangan.Isa sa mga naging guro ko ay si mr. Lacsam madami akong na tutunan sa kanya,gaya ng paggagawa ng tula at iba pa.Pinabayaan ko ang aking pag aaral kaya bumaba ang grades ko at nalipat ako nuong 2nd year sa C.

Ako ay 2nd year,lumipat na kmi ng bahay ditto na kami ng stay sa apartment n malapit sa school.Naging masaya ang 2nd year life ko.Nagtapat ako sa classmate ko na crush ko siya pero hindi siya nagalit,tuwing maalala ko iyon natatawa ako sa sarili ko.nanalo ng iba`t ibang arangal an gaming grupo sa Florante at Laura.Nagkatampuhan kami ng bestfriend kong lalaki pero hindi nagtagal ay naayos din naming.

3rd year napalipat ako sa D,hindi ko kaclose ang mga classmate kong kya madalas akong lumiban sa klase.Madaming nangyari ng akoy naging 3rd year,isa na doon ay nagkaroon akong ng boyfriend na katabi lang n gamin room.madaming ng yari sa toong iyon madalas kaming magkaaway ng barkada ko at dahil ditto nasira relationship naming ng bf ko.


bhest frend ko
casantusan norilyn

4rt year is my last year in highschool,4-G ang section ko.Sa unang araw ko piling ko wala akong makakasundo pero doon ako nagkamali.Nagkaroon ako ng barkada pero lahat ay nagbabago,nasira ang barkadahan naming iyon dahil na rin sa pagkakaiba ng bawat isa sa ugali at pananaw.Bukod ditto madami akong naexperience gaya ng pagkahiya dahil sa pagkakamali at ito`y naganap noong Mini Olympic.

Kahit na naghiwahiwalay kami isang tao lang ang laging andyan para tulungan ako C norilyn,sinosoportahan niya ako at sa kanya ako nagsasabi pag my problema ako.Si Norilyn siya ay maganda,mabait at maalalahanin.Sa tuwing aku`y iiyak anjan siya para ako ay damayan at patatagin ang aking loob.

<>
Bago kong Kabarkada
kalaro namin sa funhouse
                  Fiesta ng bayan ng kami ng makilala ko ang mga bago kong kaibigan sina David,Erick,Bok, Bryle,Lary,James at Matt.Hindi ko inaasahan na magkakabf ako dahil wala na ito sa plano ko,sinoportahan ako dito ng bestfriend ko,siya ang tumulong sakin sa bawat disisyon na ginawa ko.Buti alang hindi ako nagkamali sa disisyon kong tanggapin si my20 dahil sa mabait,maalaga at maalahanin siya.Salamat sa mga barkada ko.


c rhaya ramos


isa s makulit kong barkada
                                                              

Si Rhaya Ramos,noong una akala ko sa kanya ay napakaarte at suplada pero nagkamali ako.Siya ay mabait,masayang kasama at kapag may inapi isa sa amin anjan siya para tumulong.Hindi siya katulad ng iba na maarte ng kumilos,maarte din as a friend or plastic,ung tipong pakitang tao ang ugali.


Js Prom feb 11 2011

noong js prom namin

Js prom naming,bawat isa ay my kanya kanyang style,kinaon ako ng bf ko,correction lang dip o siya ditto sa dizon napasok pero nag effort na kaunin ako.Hawaiin kasi ang theme ng js kaya puro floral ang design ng dress namin.Masaya ang naging gabi ko,nakasayaw ko ang aking dating crush at classmates,bukod sa kanila ang classmate ng kapatid ko ay isinayaw din ako.Masaya kahit ng paggroup dance ay my nangbabasa.Hindi ko malilimutan nung nakijoin ang isang section sa aming pagsasayaw nahihiya tuloy ako pero ayaw kong maging killjoy kaya nakijoin na ako sa pagsayaw ng kasama ko.Sa aming pag.uwi sinundo pa tlga ako ng bf ko para masiguradong makakauwi ako sa amin,nakakatawa kasi halatang antok pa siya at pinilit lang nyang pumunta.Natuwa ang mama ko sa kanya dahil pinahahalagahan niya ako.


Nalalapit na ang aming pagtatapos sa highschool,ang aking hiling sana lahat kami ay makatapos ng walang problema at masaya.Maraming salamat sa mga itinuro sa akin ng mga guro at sa kanilang mga payo.Hindi ko malilimutan ang bawat sandaling nanatili ako dito sa dizon.

Ito ang talambuhay ko,hindi man ito katulad ng talambuhay ng mga bayani or ng mga taong sikat.Bawat pangyayari sa buhay ko ay nagbigay ng aral sa akin at ng magandang alaala n hindi kayang bilhin ng anumang salapi.

No comments:

Post a Comment