Thursday 24 February 2011

Gaano kasaya ang buhay ng isang mag aaral? by:regine a untiveros


picture sa may liblary  ngayong 4th year





          Ako si Regine A. Untiveros na mas kilala sa tawag nila sa aking Rhegz, na labing limang taong gulang, na ipinanganak noong Mayo 01, 1995, nakilala ako sa pag-uugali kong mataray, makulit, pasaway pero palakaibigan naman, nagsimula akung pumasok ng ako’y limang taon gulang palang, masayang-masaya ako sa unang pasok ko sa paaralan, dahil alam kong marami akong matutunan at hindi ako nagkamali, dahil dito nagsimulang dumami ang kaibigan ko halos lahat kame magkakasundo, lalo na pag- natutulungan sa paggawa ng takdang aralin. Sabik na sabik akong pumasok dahil nakikita ko ang panganay kong kapatidna tinuturuan ng aking ina na bumasa at sumulat lagi nga akong nakikisali eh!!! dahil dalawang taon ang agwat ng edad namin, mas nauna siyang pumasok, baliktad ang gusto namin, mas gusto kung pumasok ng maaga at ang kuya ko ayaw pang pumasok ayaw pa niya napipilitan lang siya, lagi naming siyang inihahatid at sinusundo, malapit lang ang bahay namin sa paaralan na pinapasukan, pero hind kami pinapalabas nasa bahay lang ako at nanonood lang ng television. Kaya gusto ko nang pumasok sa paaralan, masaya kasi ang pumasok sa paaralan maraming nagagawa. Nakaugalian ko na at ng batch naming na pagdating sa paaralan ay madalas at awitin ang mga awiting pambata nagging malaking tulong ito sa paghubog ng aking pagkatao.


              Nang pumasok naman ako ng grade 1 naging madali ito sa akin sa tulong ng karanasan ko sa kinder marami rin akong naging kaibigan, masaya kami pag naglalaro ng mga kaibigan ko na ang nilalaro naming ay tagu-taguan, sipa, luksong baka, at iba pa.kapag nasa bahay naman kadalasang panlalaki ang mga laro namin kasi mas marami kaming pinsang lalaki at tatlo lang kaming magpipinsang babaepero lahat kaming magpipinsan ay malapit sa isa’t-isa ang paburito naming laruin ay ang pagtetext at paglalaro ng lastiko.

          Hindi pa rin nagbabago ang mag kaklase ko simula noong kami ay kinder hanggang gumaraduate ng elementarya, dahil iisa lang naman ang section sa amin eh!!! Dahil sa haba ng aming pagsasamahan lalo pang naging mas matatag ang aming pagkakaibigan, pakiramdam ko kapag ako ay nasa iskwelahan, parang kapatid ang turing ko sa kanila, dahil kung ano ang meron ang isa nagbibigayan kami parang magkakapatid. Wala nga akong itinuturing na bestfriend dahil sa kapatid na nga ang turing ko sa kanila, kapag dumating na ang oras ng recess lahat kami ay naglalaro na at kung anung baon ng isa sa amin nagbibigayan para hindi unfair mapalalake o mapababae man ay nakikipag laro sa amin ng jackstone. Wala kaming pakialam kung lalaki man o babae ang kalaro naming basta masaya kaming naglalarong magkakaibigan, masaya din naman ang mga kaklase naming lalaki kapag kami ay nakikisali sa laro nila kaya nga kaibigan diba.

         Noong grade 3 naman kami napaka memorable ang taon na iyon sa akin, dahil ang saya-saya ng taon na iyon, natutuwa nga ako pag na aalala ko noong kaming magkakaibigan ay naglalaro ng chinese garter, naiwan ko yung palda ko nakalimutan ko na nga kung kalian pauwe na kami nalala ko yung palda ko at nung balikan ko ang palda ko wala na doon. Sanay kasi akong maghubad ng palda kapag maglalaro ako, mas madali kasing maglaro kapag naka short lamang at walang sagabal sa pagtalon ko.


          At ang Hindi ko makalimutan ay ang kaklase naming lalaki na si Gabriel na napatakan nang sirang upuan, hindi ko talaga makalimutan iyun kasi ayaw niyang ipagamot ang sugat niya sa teacher naming, kaya ginawa naming magkaklase inaliw namin ang kaklase naming lalaki na si Gabriel para magamot ang kanyang sugat ang ginawa ko aman ay binuhusan ko ng alcohol ang kanyang sugat kaya galit na galit siya sa akin.

             At noong tumuntong na ako sa grade 4 nakakainis na yung iba kong kaklase at kaibigan, kasi nagkameron na sila ng mga bagong kaibigan at barkada hindi na kami masyadong nagkakasama, pero pag naglalaro kami nakikisali sila hindi naman ako makapang gaslaw kasi kamag anak namin ang teacher baka isumbong ako sa papa ko. At ang masama ay doon din sa taong iyun namatay ang lola ko yung mama ng papa ko, nakakainis nga dahil 73 pa lang siya at malakas, dahil lang sa pagkakadulas kaya siya nagkakomplikasyon at doon na nagsimula ang pagsumpong-sumpong niya, ang asawa niya matagal patay ni hindi ko na nga naabutan sa picture ko nga lang nakita, kaya kami na lang ang tumutulong sa kanya nalungkot nga ako, kasi ako at anglola ko ay malapit sa isa’t-isa, siya nga ang tumulong sa mama ko na dalahin ako sa hospital noon kasi nung kinder pa ako masakitin na ako napakapayat ko na ni hindi na ako makakain, lahat nang kinakain ko maparami man o mapaunti isisnusuka ko rin nag iiniyak nga sina lolo at mama nung nagkasakit ako ang papa ko naman ay nasa pampangga dahil sa may inaasikaso. Pero agad rin akong gumaling, lagi kong kasama ang lola ko inaasikaso niya ako palagi kaya nung siya naman ang nagkasakit inasikaso ko rin siya. Pagkalabas naman niya sa hospital lagi naman akung nasa bahay niya para alagaan siya at bantayan, ang bahay kasi niya ay katabi ng bahay naming kaya minsan sa lola ko ako natutulog. Siya ay may 10 anak may kaniya-kaniyang pamilya na ang 3 ay nasa pampangga dahil doon naman talaga nakatira lumipat lang sila dito at yung anim kasama niya ditto, yung isa ay nasa alaminos na nakatira. Nang may sakit ang lola ko lagi ko siyang kinakausap tulad ng nakasanayan ko pero lagi bang parang pagpapaalam ang sinasabi niya sa akin ilan buwan na lang ang itinagal niya parang hinintay niya lang yung tita kong nasa japan na umuwi dito sa pilipinas, dahil 10 taon silang hindi nagkita isang araw na lang ang hihintayin niya hindi na siya umabot namatay na siya noomg gabing pagkamatay niya napanaginipan ko pa


picture ko sa oval ang laki talaga ng dizon high

siya na nilalambing niya ako at pinapalinis niya pa yung kanyang pustiso at sinabi niya sa akin na huli na daw yung pagpapalinis niya sa akin ng pustiso niya kaya wag na daw akong magreklamo, at paggising ko ng maaga wala sa tabi ko ang mama at papa ko at nandoon na sila sa kabilang bahay at ang lola ay wala na pala Feb. 21 siya namatay birthday ng pinsan ko ng mamatay ang lola, malungkot kaming lahat at sa pagdatin ng tita josie galing japan nasa daan pa lang siya ay umiiyak na siya ni hindi niya matanggap ang pagkawala ng lola pero medyo masayang malungkot ako dahil lahat ng mga kamag-anak namin ay dumating galling pang Pampangga at Batangas nagging banding na rin para sa amin dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita, pagkalibing ng lola nagkaroon kami ng panahon para magkasama-sama nagkaroon ng kaunting pagsasalo at nagkaroon pa ng swimming at isang buwan silang namalagi sa amin at pagkatapos ng isang buwan na pamamalagi sa amin umalis na sila at isinama pa ako ng mga pinsan ko sa pampangga naka isang lingo rin ako doon hindi naman nakakainip kaso hindi ko lang maintindihan ang kanilang salita.
Noong grade 5 naman ako wala na
man masyadong kakaiba, nang grade six naman ako naging masaya ako dahil dumami ang kaibigan ko at madami rin akung natutunan tulad ng paggagantsilyo at pagluluto, hindi na rin kami masyadong naglalaro kasi naiisip ng iba na dalaga’t binate na kaming magpipinsan kaya kwentuhan na lang kami, pagkabagong taon nagkaroon ako ng sakit, isang buwan akong hindi nakapasok dahil sa sakit kong U.T.I marami akung na miss na klase pero nakapasa pa rin ako at nakagraduate ako at nagpapasalamat ako dahil nakagraduate ako.

Ako nung 1st year

           Sa wakas 1st year na ako, pagpasok ko ng 1st year maraming nagbago dahil wala akong kakilalang kaklase ko, at ang layo pa ng paaralan sa bahay namin ang tahimik ko pa nung unang linggo ng pasukan, pero naging masaya ako dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan sa mga kaklase ko at masaya ako dahil lagi kaming magkakasabay na kumain at pag-uuwi naman magkasabay kami ng kapatid ko. Nagkameron kami ng play para sa Filipino na ang pamagat ay Ibong Adarna ang character ko doon ay si Leonara pero hindikami nagpapractice kaya hindi kami nakasali sa play. Nung Christmas party naman naming ang saya-saya bukod sa wala kaming nagastos dahil libre lahat ng teacher naming na si Mam Bautista at nagpalaro pa ito ang saya talaga ng parting iyun. Nang 2nd year naman ako nagging pasaway na ako napatawag pa ang magulang ko dahil sa pangagaslaw ko sa klase kay Mam Lingad pero dinala ko ang magulang ko para maayos na ang problema ko at naayos ito at ang dami talagang masasayang nangyari sa akin, dahil nakasama ko ang mga kalase ko na umakyat ng bundok, naranasan ko ring maglakad ng malayo dahil nilakad naming ang Sta.Veronica, halos lahat din kaming magkakaibigan. nang 3rd year naman ako nagging palaaway ako, yung kaklase ko na pinuntahan naming sa fiestahan inaway ako ng kaibigan ko dahil nagsumbong daw ako sa adviser naming hindi ko naman inurungan ang kaklase ko dahil alam kung nasa tama ako pati nga yung kaklase ng kapatid ko inaway ko dahil sinabihang walang alam at silahis ang kapatid ko.


Christine at Ako
 
          Nang naging 4th year naman ako madami akong kaklaseng makulit pasaway at mataray isa na rin ako doon at nagkameron ako ng bagong kaibigan ito ay sina Christine Cario at Anjelica Tabigne. malapit na ang aming pagtatapos kaya sinusulit ko na ang bawat araw sa paaralang minahal ko na hehehe….i love you all…….






AMAZING

Talambuhay ni Joanna Marie

Ako si Joanna Marie Isla Senes
ako si Joanna Marie Senes


ipinanganak noong April 25, 1995 ako ay labing limang taong gulang pa lang, nakatira sa Brgy. Del Remedio San Pablo City. Kami ay limang magkakapatid ako ay pang apat sa amin ang panganay ay si Mark Joseph siya ay dalawamput limang taong gulang siya ay nag Elementary at High School sa pampublikong paaralan at gumaraduate siya sa Laguna State Polytechnic College, at ang sumunod ay si John Marvin dawampung taong gulang sa pampublikong paaralan din siya nakapag-aral at gumaraduate siya sa AMA computer Learning Center, at ang sumunod ay si Jenny Mae siya ay labing pitong taong gulang nag-aaral siya sa Laguna College at ang bunso ay si John Michael siya naman ay siyam na taong gulang at nagaaral siya sa pampublikong paralan sa amin. Ang magulang ko naman ay sina Rosalinda Isla Senes at Salvador Salazar Senes, kami ay nabubuhay ng masaya maski na paminsan-minsan ay nag-aaway kaming magkakapatid.
Ako noong Gumaraduate ng Kinder
Ako ay nakilala sa pangalan na Joan at mabait na bata pero minsan naman ay pasaway. ako ay nag-aral sa edad na limang taong gulang sa kinder, ako ay iyakin pa noon kasi ayaw ko ng iniiwan ako ng mama ko pag ako ay hinahatid sa eskwelahan, dahil takot akong umalis siya at baka hindi niya na ako balikan at noong ako ay limang taong gulang, ang mama ko ay nagdadalang tao simula noon kinuha ako ng mama at papa ko ng mag-aalaga sa akin, dahil sa siya ay manganganak at hindi niya na kayang magbantay sa akin at ang nakuha nga nila ay si Ate Oliv, simula noon siya na ang nag alaga sa akin naghahatid sa school, nagpapaligo at nagpapakain kapag ang mama at papa ko ay wala at busy sa pag tatrabaho. Pero masaya pa rin ako dahil ginagawa ng papa at mama ko ang lahat para lang may maipakain lang sa aming magkakapatid at nakagraduate ako ng kinder wala akong sabit pero ok lang iyun basta nakagraduate ako ng Kinder
     Ako ay nakatungtong na sa Grade 1 ang saya ko noon dahil may bago na naman akong kaklase at kaibigan at simula noon hindi na ako nagpapahatid sa paaralan, dahil sumasabay na lang ako kina ate at kuya para masanay akong mag-isa, na hindi umaasa sa iba. Pero parang inspirayon ko yun pra naman hindi nila ikumpara sa mga kapatid ko. At para matuto na ako at ayun nga ang nangyari, may natutunan ako noong ako ay Grade 1 naalala ko pa noon na umiyak ako dahil sa napagalitan ako ng teacher ko dahil lang sa pag papahiram ko ng notebook ko sa kaklase ko. At ang hindi ko makakalimutan yung kaklase ko na lalaki na si jeric, dahil siya ang napakatapang naming kaklase nakakatakot siya kapag nagagalit nagdadabog at ginugulo niya ang mga upuan.                                                                                                                                           At nung nakatungtong na ako ng Grade 2 bagong taon at panibagong kakilala na naman at panibagong kaibigan na naman pero hindi kami masyadong nakakapag laro dahil walang masyadong oras para sa paglalaro.                                                                                                                                            Grade 3 na ako wala pa ring pagbabago lagi na lang akong napapagalitan, at lagi na lang akong naikukumpara sa mga kapatid ko na sila daw ay matalino, masipag at maaasahan. Hindi ako masaya dahil noong ako ay grade 3 ay puro pangit na alaala at puro na lang ang kapatid ko ang nakikita nila kaya noong ako ay grade 3 may galit ako sa kanila pati na rin sa mga taong pinapakailamanan ang buhay ko
Grade 4 masaya ako dahil maraming kaibigan at bagong kakilala na naman ako napakasaya talaga ng taon na iyon dahil lahat kami ay magkakasundo lahat sa isang bagay, kung ano yung gusto ng isa lahat ay gusto na rin. Ako ay simple lang pero may kagaslawan at kakulitan pero hindi ko yun dinadala sa school sa bahay lang baka kasi yung kagaslawan at kakulitan ko ay makasakit ng iba at ayoko ko talagang nakakasakit ng kapwa ko.                                                                                                                                                Grade 5 na ako marami na namang nagbago, bumalik na naman yung punto na hindi na naman gumanda yung aking paggiging grade 5 dahil sa pinag kukumpara na naman ako sa mga kapatid ko kaya galit nag alit ako sa sarili ko dahil hindi ko sila mapantayan kaya pinagsikapan ko pa lalo ang pag aaral ko pero kahit na nagsisipag ako hindi ko pa rin talaga mahigitan ang mga kapatid kaya simula noon na walan na ko ng pag asa na mag ayos pa sa pag aaral hindi ko na rin naman kaya. Kaya ang ginawa ko hindi ko na pinapansin yung mga sinsabi ng mga tao, hindi na ako nagpapaapekto sa mga sinasabi ng iba. Bakasyon na sumaya ako dahil sa bakasyon na nga makakapag laro na ako kasama ng mga batang tagasa amin. Sumapit ang birth day ko ang ganda ng regalo sa akin ng papa at mama ko dahil sa binigyan niya ako ng magandang birth-day. pinag handa nila ako kahit na hindi ako naging mabuting anak,                                                                                 Grade 6 na ako ito na ang pinaka masayang taon para sa akin dahil sa graduating ako marami akong ginawang masasaya para meron akong memorable sa aking naging paaralan noon at hindi ko lalo makakalimutan ang mga naging kaibigan ko, dahil sila lang ang tumutulong sa akin, sila rin ang mga taong may mabuting kalooban. At hindi ko talaga makakalimutan yung Validictorian namin sa kanya ako bumilib sa kanya ko nakita ang pagiging masipag sa pag aaral siya yung tipo ng tao na para bang taong walang nakapaligid sa kanya dahil puro pag aaral ang inaatupag niya, siya ay napaka-tahimik at mabait. Kaya na isip ko na kung magiging katulad niya ako magiging matalino rin ako, kaso huli na ang lahat gagraduate na kami magkakalayo din kami at ng mga kaibigan ko hindi ko na siya makikita pang muli. at dahil nga pagraduate na kami inisip ko kung saan ako papasok ng high school at dahil aakyat na nga kami sa intablado hindi naming makakalimutan ang mga bawat saglit na pagsasama namin. sa wakas graduate na kami. Bakasyon na. masayang bakasyon ang naranasan ko, ito na ang pinakamasayang bakasyon sa buhay ko dahil magkakasama kaming lahat buong pamilya namin ay magkakasamang nagbakasyon sa La union sa lugar kung saan lumaki ang mama ko, nagpunta kami sa Baguio at namasyal kung saan saan para naman mas sumaya pa ang pagbabakasyon namin. Memorable na bakasyon hinding hindi ko talaga makakalimutan iyon. At ang isa pang hindi ko makakalimutan ay ang Birth day ko dahil napakaraming handa at nagpa swimming pa ang papa ko siya lahat ang gumastos para lang maging masaya ang aking kaarawan nagpapasalamat ako sa mama at papa ko dahil binigyan niya ako ng magandang kaarawan at masaya ang mga kaibigan ko dahil nakasama sila at laat ng kapitbahay naming ay imbitado masayang-masaya talaga ako.
Pasukan na naman 1st year na ako panibagong pagsubok sa buhay ko, marami na naman akong kakilala at kaibigan masaya ako dahil unang pasukan pa lang ay may nakilala na kaagad ako, at nakipag kaibigan pa siya sa akin. Masaya ang section namin ang section ko noong ako ay 1st year ay I masaya kami kasi nakakapag-laro pa kami ang nilalaro naming noong kami ay 1st year ay mga larung pambata kagaya ng sipa bola, paltok bola at kung anu-ano pang mga larung pambata nakakatuwa nga eh kasi yung pagsipa ng kaklase sa bola lumipad yung kanyang sapatos, tawa kami ng tawa napakasaya talaga ng section na iyon walang araw na hindi ako sumaya dahil masaya silang kasama at napaka memorable, doon ko lang naranasan ang masasayang araw na hindi talaga makakalimutan sila yung tipo ng tao na hanggat hindi ka masaya hindi sila titigil magpatawa para lang maging masaya ka rin, at dahil doon yung tinatago kung kagaslawan ay nailabas ko at sa kanila ko naranasan yung pagiging masayahin.
2nd year na ako napakalungkot ko naman dahil ako lang ang napahiwalay sa aming magkakaklase dahil sa late akung nag-enroll lalong bumaba ang section ko. Pero ok na rin iyon dahil may nakilala na naman akong panibagong kaklase. Ang swerte ko nga kasi sila yung nagtatanggol sa akin kapag ako ay inaaway ng mga kaklase kong lalaki o babae, Sa kanila ko rin natutunan kung paano lumaban kapag inaapi at kung paano tumulong sa iba. Mahirap sa akin ang pagiging 2nd year dahil habang tumatagal lalong humihirap ang mga pinag-aaralan sa bawat quarter, pero tiniis ko iyun para makapasa lang ako. May mga magandang karanasan din ako ang karanasan na hindi ko talaga makakalimutan ay ang pag-iimprove ko.

Mga Kaibigan ko
3rd year na ako muli kaming nagsama-sama ng mga dati kong mga kaklase. muli na naman kami nagkasama, ang mga pasaway at makukulit at nakakatuwang tropa.





Ako at ang iba kong Kaibigan
Lagi kaming magkakasama kahit saan man kami pumunta,na punta kami Lake at kung saan-saan basta masaya ang tropa. Maraming nangyaring masasaya, nagkameron ng konting kasiyahan at salu-salo sa bahay na kaklase ko dahil kaarawan nya hindi naman pwedeng hindi kami pumunta kasi nakakahiya kay tita ang nanay ng kaklase kong may kaarawan, nakakahiya naman kung hindi kami pumunta.At ang pagkakameron ng SHINDIG. Naging maganda ang kinalabasan ng concert na iyon masaya, gabi kami nakauwe, maraming masayang pangyayari, nakasama namin ang aming crush at ang mga cute na classmate namin. at nagkaroon din ng Junior Senior Prom (JS) hindi ko nakayanan ang magdamag na gising at hindi ako sanay sa puyatan kay papikit-pikit ako, kaya hindi ako masyadong nagenjoy sa JS namin noong ako ay 3rd year. papirmahan na ng clearance magkakasama pa rin kaming magkakaibigan kinakabaduhan nga ako kasi baka hindi ako makapasa sa 3rd year eh pero hindi nangyari yong kinakakatakutan ko pumasa ako kaya ang saya-saya ko at ng mga kaibigan ko at bakasyon na naman ang saya namin nag swimming kami sa Sflash Mountain gabing-gabi na kami nakauwi mga alas tres na ata ng madaling araw.masayang alaala.
4th year na ako, nung unang pasukan hindi ako nakikipag usap sa kaklase ko dahil nahihiya ako sa kanilang lumapit. May bago na naman akong buhay may mga bagong kaibigan at bagong kaklase at doon ko nakilala sina Crizza, Norine, Rachelle,joan,
Rochelle, Joan, Crizza , Joanna, Renato at Malabag

Sino nga ba si Anjelica Tabigane...

ako ngayong 4th year


Ang Talambuhay Ni Anjelica E. Tabigne
Ako si Anjelica Tabigne ay nakilala sa pagbabago-bago ng aking ugali. dahil kung  minsan mataray, minsan makulit , minsan mabait, minsan masayahin at minsan naman taimik, pero madalas magmura sa mga classmate. Mas kilala ako sa pagkaprangka kung ugali at masyadong mapride.
me and my ate


Si Anjelica Tabigne ay isinilang noong ika-13 ng Disyembre taong 1993 sa nayon ng San Juan San Pablo City. Ang aking mga magulang ay sina Ailyn at Mario Tabigne, Ang aking ama ay nagtatrabaho sa NFA bilang isang supervisor, pero sya ay nagritiro dahil sa nakita niyang masamang gawain tulad ng mga nakawan. Kaya naman naisipan ni papang magtayo ng gawaan stainless. Si mama at papa ay napakahirap magpatakbo nito, Kami ay anim na magkakapatid. Si ate Gracia, ate Liza, si Victoria, Patricia, Francis Joseph. 
Ako ay nag-aaral ng elementary sa San Pablo Central School kung saan ditto ang nag grade 1 to 6.Noog ako ay nasa Ikalawang baitang na.dito ko nakilala si Steffany ang aking pinakamatalik na Best friend. Sa kanya ko sinabi ang aking mga sikreto, sya rin yung tagapagtangol ko kapag inaaway ako halos tinuring ko na syang ate. Hanggang sa maghiwalay kami dahil nag iba na ang section ni steffany ganon padin ang section ko pero naging masasakitin naman ako mahina daw kasi ang resistensya ko at kailangan ko noong mag drop kasi marame na akong absent at mas tumitindi ang aking sakit. Dinala ko nina mama at papa sa hospital sa Manila upang doon magpagaling upang maqpag handaan ko ulit ang susunod nah pasukan.
Ilang buwan na ang lumipas nging magaling na ako at nagpaenrol na ulit ako para sa ikatlong baitang sa muli kong pag pasok, doon ko nalaman ang tungkol kay steffany na ito ay namatay na noong December 13,2004 ng dahil sa car accident nalungkot ako dahil hindi man lang ako nakapunta sa kanyang burol,nalungkot ako kase tinuring ko na din  syang ate. June 6,2005 bumalik ako sa pag-aaral pero naloloko ako na mga bagong  kung kaklase sakitin daw ako, payatot, balik grade 3 ok lang naman yun saken dahil yun ang totoo kung hindi lang sana ako nagging sakitin baka hindi ako payat, at lalong  hindi ako magbabalik grade 3 nag drop-out kasi ako. Dahil ditto lalo kung namimiss si steffany, namimiss ko ung pagtatabgo nya saken.
Dumating din ang araw na pinag-uusapan kami ng aming mga kapit bahay dahil nga sa pagiging sakitin ko, pati ang pareresign ni papa sa NFA nabig yan pa ng issue,at kung anu-ano pang maling balita ang kinakalat,na kaya daw nawalan ng trabaho si papa dahil tamad,hindi daw kasi pumasok ng maaga, masyado daw kasing matapang pero sa kabila ng mga ito ginalang parin namin ang pasya ni papa, at walang sino man ang nakaalam sa kanila kung bakit ba talaga sya nag resign.
Nagtapos ako sa ikatlong baitang na puro pang-aasar ng aking kaklase, at ng nasa grade 4 na ko nakilala ko ang bago kong Guro na si Mrs. Galang na ngayon ay Mrs. Ginto na, napaka-lupit samin ni Mrs. Ginto lahat na ata kamo takot sa kanya dahil kapag ito’y nagagalit inihahagis nya ang kung anuman ang nasa ibabaw ng table nya at kapag naman nakakuha kami ng mababang scores ay hinuhubuan nya kami isa-isa minsan nga muntik na akong mahubuan dahil mababa ang score ko pero buti nalang mali ang tsek sa papel ko kaya mas-tumaas ako. Sa buong taon ng kanyang pag-tuturo nagging mas-mataray pa sya minsan pa ay nangungurot pa ito sa singit. Pero para sakin ang pinaka-matinding sinabi nya sakin ay ang mga salitang “wala ni isa sa inyo ang makakatapos ng pag-aaral” yan ang mga salitang hinding-hindi ko malilimutan. Sa mga salitang yan kaya pinipilit kong makatapos ng pag-aaral. Gusto kong mapatunayan nna makakatapos ako ng pag-aaral at mag-kakaroon ng magandang career.
              Taon 2006-2007 na grade 6 na ako ganun pa din ang seksyon ko walang pag-babago seksyon 10 parin. Ang aking adviser ditto ay si Mam Virey kabaligtaran nito ang ugali ni Mrs. Ginto dahil si Mam Virey ay napaka-bait, maalaga, lagi nyang iniisip ang kapakanan namin. Buwan ng july nag-karoon kami ng eleksyon, ang pinaka iintay pala ng aking mga kaklase dahil ibinoto nila akong presidente pero hindi ako pumayag at ng ibinoto ulet nila ako bilang bise-presidente wala na akong nagawa pati ang guro pinag-pilitan na ako. Naging mabilis ang pag-lipas ng panahon saming lahat hindi naming namalayan na malapit na pala ang aming pagtatapos, mag-kakahiwa-hiwalay nanaman ng aking mga kaklase at mga kaibigan ko.
March 28, 2007 ang lahat ay abala para sa pag-hahanda sa aming pag-tatapos, ito na kasi ang mismong araw n gaming pag-tatapos. Inaasan kong darating si lola dahil tuwing nag-tatapos kaming mag-kakapatid ay umuuwi sya dito sa San Pablo, pati nasabi nya sakin na uuwi sya para manuod sa aking pag-tatapos. Ako naman asang-asa na darating sya, ang saya-saya ko pa naman noon kasi nga makukumpleto na ulit ang pamilya ko, pero di sya dumating ni tumawag. Nalaman ko nalang kaya di sya dumating eh nagging abala sya sa Manila. Dahil ditto kaya di na ako nag-tiwala sa mga sinasabi nya .
my lola sa manila


Nagkaroon din ako ng pagkainggit sa aking dalawang ate, dahil nga kay lola, naalala ko pa ng nagkaskit ako noong grade 5, pabalik-balik ang lagnat ko noon, hindi pa ako pinadalaw ni lola sa hospital kasi daw gagaling din daw agad ako yun ang sabi nya kay mama at papa 50-50 na ako noon ng dalhin ako sa hospital at dahil ditto nalaman na nila mama, papa at lola na nadengue nap ala ako lalo akong nagalit kay lola inisip ko pa nga noon nab aka hindi ako mahal ni lola mula noon hindi na ako umasa sa aking lola, nawalan na ako ng tiwala sa kanya.

Abril 2007 dumanas kame ng kahirapan, Nabangkrap ang pinagkakakitaan nina mama at papa, ito ay ang gawaan ng stainless, naging usap usapan din ang pagkakabangkrap n gaming stainless, keso daw nalubog sa utang, panget daw kasi ang gawa ng mga trabahador nina papa at mama ng mga tinidor, serving spoon, pinggan, baso at kung anu-ano pa na yari sa stainless. Pati ba naman sa mga tiyahin ko hindi kami nakalampas kinukutya din kami, at pinag uusapan pa minsan na sabi pa ni tita Gerlyn na ampon lang daw kaming lahat at kami daw ang nagpapamalas kina mama at papa. Hindi ko akalain na ganito pala talaga ang ugali ng mga tiya ko, kapag wala kang pera wala ka ring halaga sa kanila. Sobra kong dinamdam ang mga ito. Minsan nga naitanong ko sa sarili ko na sila ba talaga ang kapatid ni mama, hindi naman kasi sila ganoon dati ng kami ay may pagawaan pa ng stainless. Akala ko magbabago pa ang ugali nila, pero ilang taon pa nakakalipas ganon at ganon pa rin ang ugali ng mga tiyahin ko sa amin.

June 4, 2007 first day of class in high school ko sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o mas kilala sa pangalan na Dizon High. Hindi naging madali sakin ang pagiging 1st year highschool, dahil ang daming pagbabago, ibang tao na naman ang pakikitunguhan ko, pero nasanay na rin ako, dito ko nakilala ang mga bago kung mga kaibigan na sina Janica, Maricon, at Bea, pero talaga palang  sa mundo ng pakikipag kaibigan hindi maiiwasan ang magkaroon ng tampuhan o awayan. Nag kaaway kami nina Janica kaya nahati sa dalawa ang aming dating isang grupo. At unti-unti kaming nalayo sa isa’t-isa, hanggang sa matapos ng 1st year hindi na kami nagkaayos pa.
2008 na pero wala pa ring pagbabago sa section ko, H pa din ang section ko nung 2nd year. Ditto masdumami pa ang kaibigan ko, akala ko hindi na kami magkakaayos ni Janica at Bea pero nagging ok din pala, dumami pa lalo ang kaibigan ko yun nga lang napalayo sa amin sina Maricon at Bea tumaas kasi ang section nila. Nakilala ko naman sina Legaspi, Landico, Reyes, Garay, Belen at si Abuyabor.sa pagiging 2-H ko naging vice president ako at ang president namin ay si Reyes, pero sakin pinagkatiwala ng aking teacher ang lahat pati ang paniningil at pagpapatago sa akin ng pera, nawala ang pagtitiwala ni Mrs. Baylon ang adviser ko noong ako ay 2nd year, dahil sa pagiging pabaya nito at palaging na absent at napabayaan niya ang kayang pag-aaral. Nakaaway ko ina Landicho at ang mga kaibigan ko dahil lang sa pagiging vice-president ko, kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako tatanggap ng katungkulan kahit na kalian para wala akong makaaway. Simula pa noon hindi na kami nag kaayos pang muli, walang imikan, walang kibuan hanggang sa matapos ang school year.
Ang bilis ng panahon hindi ko namalayan na 3rd year na pala ako. Nag karoon ako ng crush sa isa kung classmate, pero ni isa sa mga kaibigan ko na wala silang nalalaman   kung sino ang crush ko, dahil dail alam ko na ang crush ko ay crush din ng best friend ko, ayoko naman na magkaaway kame ng dahil lang doon.
Feb. 13, 2010 masaya ang lahat ng 3rd year at 4th year dahil J.s na namin. Nagging napakasaya ko ulit ng mga araw na yun, dahil para sa akin ito ang Masayang party para sa akin. Ewan ko nga lang sa iba. Ditto marami akong nakasayaw at nakilala, pati ang crush ko nakasayaw ko din yun nga lang di ko siya masyadong makikita kasi graduation na nila sa March 2010, magtatapos ang buwan ng Feb.  nabuo ang aming tropa na kung tawagin ay Tropang Matikal ang myembro nito ay ang mga bago kung kaibigan na sila Rose ann, Janica, Malabag, Eldren, Jimboy, Allen, Aljon, Melvin, Jet, Edibon, Marasigan, at si Putungan. Napaka maalalahanin, masayang kasama maalaga at mapagbiro. Dahil diyan tinuring ko silang kapatid o baka nga mas higit pa. sa kanila ko sinsabi ang problema ko pag my problema sa bahay o sa buhay namin, dati rati kasi hindi ako nagsasabi ng tungkol sa buhay ko.
birth day ni lolo



March 1, 2010 4:30 umuwi ng maaga dail sa sobrang pagod ko galing sa school. Pagdating ko sa amin sinalubong agad ako ni lolo na nakangiti at sabay sabi sa akin na hilutin ko daw ang kanyang likod. Sabi ko naman kay lolo na mamaya nap o kakain lang ako. At pagkatapos kung kumain tinawag ako ni ate at sinabi niyang pumunta daw ako kina lolo at sumisingga daw ang sakit ni lolo sa puso. Sinubukan niyang tumayo pero hindi niya nakayanan kaya natumba siya, kaya hiniga na lang siya ng tito ko sa kama. Akala ko noon magiging ok na si lolo ko pero biglang lumabas ang dila ng lolo at may lumabas na maraming tubig sa bibig niya, dahil sa nangyaring iyon umiyak ako ng umiyak dahil sa takot nab aka kung ano ang mangyari kay lolo. Dinala na siya nina mama, papa at ni tito sa hospital pero wala ring nagawa hindi na siya umabot sa hospital at ayun na ang huling araw ng lolo ko. Sobra akong nagdamdam sa pagkawala ng lolo ko, dumating din ang araw na sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkawala ng lolo ko. Dahil kung sumunod lang agad ako sa kanya hindi na dapat nangyari ang ganung pangyayari at sana bumuti pa yung pakiramdam ng lolo ko. Ako kasi ang lagging inuutusan ng lolo ko para hilutin ko siya, gupitan ng kuko at bunutan ng puting buhok, pero ngayon wala na ang lolo ko mamimis ko ang mga ginagawa ko sa lolo ko. Dahil dito natakot na akung maghilot kasi baka dumating yung araw na sa sobrang pagod ko hindi ko na mahilot yung gustong magpahilot sa akin.
March 4, 2010 ng ilibing ang lolo ko, nainis ako kay mama at papa, tiya ko kasi napakadali para sa kanila na ipalibing ang lolo ko ng maaga. Pinilit kung hindi mapaiyak sa oras na ilibing ang lolo ko. Kasi gusto kung maging Masaya ang lolo ko sa bago niyang buhay sa taas. Pero sa kabila ng mga ito sobra akong nalulungkot sa pagkawala ng aking mahal na lolo.
Lumipas ang mga panahon pero di ko pa rin magawang patawarin ang sarili ko. Dahil para sakin ako ang may gawa kung bakit sya wala sa tabi namin Dec. 25, 2010 ng biglang nagparadam sakin si lolo. Inisip ko nab aka nagpaparamdam ang lolo eh dahil baka nakalimutan na naming sya. Pero kahit kailan hindi ko sya makakalimutan dahil mahal na mahal ko sya. Jan. 1, 2011 New years day pero hindi ako masaya dahil 1st time na hindi kumpleto ang pamilya ko wala ang lolo, wala si ate at wala si papa. Tapos may sakit pa si mama pero kahit ganon pinilit ni mama na maging malakas para maging masaya kahit papano ang New year namin kahit na kami kami lang at ngayon ilang buwan na lang at malapit na ulit ang aming graduation sana kahit sa mismong araw na aking graduation magpakita sakin si lolo at dumating na sana si lola. Ngayon na malapit na akong magtapos patutunayan ko talaga kay Mrs. Ginto na makakatapos ako, ilang taon na lang ang aking pagtitiisan sa aking pag-aaral at pagkatapos kung mag_aral maghahanap ako ng magandang trabaho at tutulungan ko sina mama at papa. Kahit na alam ko na ang buhay ay punong puno ng pagsubok.






                                                              "Me and mY Family"

   ako noong 2 years old

            Ako po si Yiecell Javier Villanueva.Isinilang nuong Nov. 19,1993 s Brgy. Lalig Quezon.Ang aking mga magulang ay sina Ma. Ayie Javier at Cesar Villanueva.Panganay sa apat n magkakapatid,dalawa babae at lalaki.

Lumaki ako sa pag aalaga ng tiya ko dahil noon ay laging abala ang mame ko.Katulad ng ibang bata ako ay makulit,malikot at laging umiiyak.Madalas ikwento sakin ng mame ko at ng iba kong tiya.Kapag hindi nasusunod ang aking gusto ay ngagalit ako s kanila at inaaway ko sila at kapag ako aman inaaway ng mga tiyo ko nagagalit ang mama ko at katakot takot ng sermon inaabot nila.
Take note nalito kayo s mame at mama na nakalagay. Ang tinutukoy kong mame ay ang totoo kong ina at ang mama naman ay yung tiya ko n siya nag.alaga skin hanggang mag.asawa siya.

Kinunan ito noong manalo ako sa isang paligsahan ng pagandahan para sa mga bata.Sa tuwing makikita ko ito natatawa ako dahil mas mataas pa sa akin ang tropi.


Ako`y bata palang ako mahilig na akong gumuhit ng mga anime character.Hindi lang gumuhit kundi manuod nito.Naimpluwensyahan ako ng pinsan kong si ate joy,namangha ako sa kanyang mga ginuhit bukod sa maganda ay nararamdaman mo ang kaseryosohan o ang hilig nya dito.Simula noon ay gumuguhit na din ako,isang maganda hobby na rin ito para hindi ako malulong sa masamang bisyo o Gawain.



 4 years old ako



Grade 4 ako noong malipat ako sa isang public school.Dito ko nalaman na iba ang buhay studyante s private at public.Sa private kasi nakaaircon ka, konti lang ang classmate mo at iba ang mga subjects.Sa public aman madami na nga kayo sa room maingay pa at magulo.Pero kahit ganto narealize ko na Masaya din silang kasama,madami akong natutunang laro,gaya ng holen,sipa lata at madami pang iba.Natutunan ko din maging matapang at labanan ang mga classmate kong madalas akong asarin or lokohin.Sumali din ako sa Palarong panlunsod,ang aking sport ay table tennis.



 
ako noong graduation at ang aking guro

Ang huling taon ko sa elementary ay naging malungkot naisip ko mahihiwalay na ako sa mga taong naging bahagi ng masasayang araw sa buhay ko.Sa iba`t ibang school na kami papasok,hindi na kami makakapag usap or kwetuhan man lamang habang nag aaral kami.Pero ang pinakamalungkot noon ay isang linggo bago ang February 14 namatay ang isa kong kamag aral dahil sa tuklaw ng ahas.Kahit na malungkot ang bawat sandali naging masaya ako sa aming pagtatapos kasama ako sa top 10,hindi naman ito 1st or 2nd honor maipapagmamalaki ko pa rin ito dahil katunayan ito na ginawa ko ang aking makakaya sa mga araw n pananatili ko sa aming paaralan.

Ako ay 1st year highschool,dhil sa Alaminos kami nakatira kinakailangan kong munang tumira sa aking tiya dito malapit sa school ng Dizon.Iba ang buhay elementarya sa highschool.kung sa elementary puro laro ngaun puro araw ang kailangan.Isa sa mga naging guro ko ay si mr. Lacsam madami akong na tutunan sa kanya,gaya ng paggagawa ng tula at iba pa.Pinabayaan ko ang aking pag aaral kaya bumaba ang grades ko at nalipat ako nuong 2nd year sa C.

Ako ay 2nd year,lumipat na kmi ng bahay ditto na kami ng stay sa apartment n malapit sa school.Naging masaya ang 2nd year life ko.Nagtapat ako sa classmate ko na crush ko siya pero hindi siya nagalit,tuwing maalala ko iyon natatawa ako sa sarili ko.nanalo ng iba`t ibang arangal an gaming grupo sa Florante at Laura.Nagkatampuhan kami ng bestfriend kong lalaki pero hindi nagtagal ay naayos din naming.

3rd year napalipat ako sa D,hindi ko kaclose ang mga classmate kong kya madalas akong lumiban sa klase.Madaming nangyari ng akoy naging 3rd year,isa na doon ay nagkaroon akong ng boyfriend na katabi lang n gamin room.madaming ng yari sa toong iyon madalas kaming magkaaway ng barkada ko at dahil ditto nasira relationship naming ng bf ko.


bhest frend ko
casantusan norilyn

4rt year is my last year in highschool,4-G ang section ko.Sa unang araw ko piling ko wala akong makakasundo pero doon ako nagkamali.Nagkaroon ako ng barkada pero lahat ay nagbabago,nasira ang barkadahan naming iyon dahil na rin sa pagkakaiba ng bawat isa sa ugali at pananaw.Bukod ditto madami akong naexperience gaya ng pagkahiya dahil sa pagkakamali at ito`y naganap noong Mini Olympic.

Kahit na naghiwahiwalay kami isang tao lang ang laging andyan para tulungan ako C norilyn,sinosoportahan niya ako at sa kanya ako nagsasabi pag my problema ako.Si Norilyn siya ay maganda,mabait at maalalahanin.Sa tuwing aku`y iiyak anjan siya para ako ay damayan at patatagin ang aking loob.

<>
Bago kong Kabarkada
kalaro namin sa funhouse
                  Fiesta ng bayan ng kami ng makilala ko ang mga bago kong kaibigan sina David,Erick,Bok, Bryle,Lary,James at Matt.Hindi ko inaasahan na magkakabf ako dahil wala na ito sa plano ko,sinoportahan ako dito ng bestfriend ko,siya ang tumulong sakin sa bawat disisyon na ginawa ko.Buti alang hindi ako nagkamali sa disisyon kong tanggapin si my20 dahil sa mabait,maalaga at maalahanin siya.Salamat sa mga barkada ko.


c rhaya ramos


isa s makulit kong barkada
                                                              

Si Rhaya Ramos,noong una akala ko sa kanya ay napakaarte at suplada pero nagkamali ako.Siya ay mabait,masayang kasama at kapag may inapi isa sa amin anjan siya para tumulong.Hindi siya katulad ng iba na maarte ng kumilos,maarte din as a friend or plastic,ung tipong pakitang tao ang ugali.


Js Prom feb 11 2011

noong js prom namin

Js prom naming,bawat isa ay my kanya kanyang style,kinaon ako ng bf ko,correction lang dip o siya ditto sa dizon napasok pero nag effort na kaunin ako.Hawaiin kasi ang theme ng js kaya puro floral ang design ng dress namin.Masaya ang naging gabi ko,nakasayaw ko ang aking dating crush at classmates,bukod sa kanila ang classmate ng kapatid ko ay isinayaw din ako.Masaya kahit ng paggroup dance ay my nangbabasa.Hindi ko malilimutan nung nakijoin ang isang section sa aming pagsasayaw nahihiya tuloy ako pero ayaw kong maging killjoy kaya nakijoin na ako sa pagsayaw ng kasama ko.Sa aming pag.uwi sinundo pa tlga ako ng bf ko para masiguradong makakauwi ako sa amin,nakakatawa kasi halatang antok pa siya at pinilit lang nyang pumunta.Natuwa ang mama ko sa kanya dahil pinahahalagahan niya ako.


Nalalapit na ang aming pagtatapos sa highschool,ang aking hiling sana lahat kami ay makatapos ng walang problema at masaya.Maraming salamat sa mga itinuro sa akin ng mga guro at sa kanilang mga payo.Hindi ko malilimutan ang bawat sandaling nanatili ako dito sa dizon.

Ito ang talambuhay ko,hindi man ito katulad ng talambuhay ng mga bayani or ng mga taong sikat.Bawat pangyayari sa buhay ko ay nagbigay ng aral sa akin at ng magandang alaala n hindi kayang bilhin ng anumang salapi.