Thursday, 24 February 2011

Sino nga ba si Anjelica Tabigane...

ako ngayong 4th year


Ang Talambuhay Ni Anjelica E. Tabigne
Ako si Anjelica Tabigne ay nakilala sa pagbabago-bago ng aking ugali. dahil kung  minsan mataray, minsan makulit , minsan mabait, minsan masayahin at minsan naman taimik, pero madalas magmura sa mga classmate. Mas kilala ako sa pagkaprangka kung ugali at masyadong mapride.
me and my ate


Si Anjelica Tabigne ay isinilang noong ika-13 ng Disyembre taong 1993 sa nayon ng San Juan San Pablo City. Ang aking mga magulang ay sina Ailyn at Mario Tabigne, Ang aking ama ay nagtatrabaho sa NFA bilang isang supervisor, pero sya ay nagritiro dahil sa nakita niyang masamang gawain tulad ng mga nakawan. Kaya naman naisipan ni papang magtayo ng gawaan stainless. Si mama at papa ay napakahirap magpatakbo nito, Kami ay anim na magkakapatid. Si ate Gracia, ate Liza, si Victoria, Patricia, Francis Joseph. 
Ako ay nag-aaral ng elementary sa San Pablo Central School kung saan ditto ang nag grade 1 to 6.Noog ako ay nasa Ikalawang baitang na.dito ko nakilala si Steffany ang aking pinakamatalik na Best friend. Sa kanya ko sinabi ang aking mga sikreto, sya rin yung tagapagtangol ko kapag inaaway ako halos tinuring ko na syang ate. Hanggang sa maghiwalay kami dahil nag iba na ang section ni steffany ganon padin ang section ko pero naging masasakitin naman ako mahina daw kasi ang resistensya ko at kailangan ko noong mag drop kasi marame na akong absent at mas tumitindi ang aking sakit. Dinala ko nina mama at papa sa hospital sa Manila upang doon magpagaling upang maqpag handaan ko ulit ang susunod nah pasukan.
Ilang buwan na ang lumipas nging magaling na ako at nagpaenrol na ulit ako para sa ikatlong baitang sa muli kong pag pasok, doon ko nalaman ang tungkol kay steffany na ito ay namatay na noong December 13,2004 ng dahil sa car accident nalungkot ako dahil hindi man lang ako nakapunta sa kanyang burol,nalungkot ako kase tinuring ko na din  syang ate. June 6,2005 bumalik ako sa pag-aaral pero naloloko ako na mga bagong  kung kaklase sakitin daw ako, payatot, balik grade 3 ok lang naman yun saken dahil yun ang totoo kung hindi lang sana ako nagging sakitin baka hindi ako payat, at lalong  hindi ako magbabalik grade 3 nag drop-out kasi ako. Dahil ditto lalo kung namimiss si steffany, namimiss ko ung pagtatabgo nya saken.
Dumating din ang araw na pinag-uusapan kami ng aming mga kapit bahay dahil nga sa pagiging sakitin ko, pati ang pareresign ni papa sa NFA nabig yan pa ng issue,at kung anu-ano pang maling balita ang kinakalat,na kaya daw nawalan ng trabaho si papa dahil tamad,hindi daw kasi pumasok ng maaga, masyado daw kasing matapang pero sa kabila ng mga ito ginalang parin namin ang pasya ni papa, at walang sino man ang nakaalam sa kanila kung bakit ba talaga sya nag resign.
Nagtapos ako sa ikatlong baitang na puro pang-aasar ng aking kaklase, at ng nasa grade 4 na ko nakilala ko ang bago kong Guro na si Mrs. Galang na ngayon ay Mrs. Ginto na, napaka-lupit samin ni Mrs. Ginto lahat na ata kamo takot sa kanya dahil kapag ito’y nagagalit inihahagis nya ang kung anuman ang nasa ibabaw ng table nya at kapag naman nakakuha kami ng mababang scores ay hinuhubuan nya kami isa-isa minsan nga muntik na akong mahubuan dahil mababa ang score ko pero buti nalang mali ang tsek sa papel ko kaya mas-tumaas ako. Sa buong taon ng kanyang pag-tuturo nagging mas-mataray pa sya minsan pa ay nangungurot pa ito sa singit. Pero para sakin ang pinaka-matinding sinabi nya sakin ay ang mga salitang “wala ni isa sa inyo ang makakatapos ng pag-aaral” yan ang mga salitang hinding-hindi ko malilimutan. Sa mga salitang yan kaya pinipilit kong makatapos ng pag-aaral. Gusto kong mapatunayan nna makakatapos ako ng pag-aaral at mag-kakaroon ng magandang career.
              Taon 2006-2007 na grade 6 na ako ganun pa din ang seksyon ko walang pag-babago seksyon 10 parin. Ang aking adviser ditto ay si Mam Virey kabaligtaran nito ang ugali ni Mrs. Ginto dahil si Mam Virey ay napaka-bait, maalaga, lagi nyang iniisip ang kapakanan namin. Buwan ng july nag-karoon kami ng eleksyon, ang pinaka iintay pala ng aking mga kaklase dahil ibinoto nila akong presidente pero hindi ako pumayag at ng ibinoto ulet nila ako bilang bise-presidente wala na akong nagawa pati ang guro pinag-pilitan na ako. Naging mabilis ang pag-lipas ng panahon saming lahat hindi naming namalayan na malapit na pala ang aming pagtatapos, mag-kakahiwa-hiwalay nanaman ng aking mga kaklase at mga kaibigan ko.
March 28, 2007 ang lahat ay abala para sa pag-hahanda sa aming pag-tatapos, ito na kasi ang mismong araw n gaming pag-tatapos. Inaasan kong darating si lola dahil tuwing nag-tatapos kaming mag-kakapatid ay umuuwi sya dito sa San Pablo, pati nasabi nya sakin na uuwi sya para manuod sa aking pag-tatapos. Ako naman asang-asa na darating sya, ang saya-saya ko pa naman noon kasi nga makukumpleto na ulit ang pamilya ko, pero di sya dumating ni tumawag. Nalaman ko nalang kaya di sya dumating eh nagging abala sya sa Manila. Dahil ditto kaya di na ako nag-tiwala sa mga sinasabi nya .
my lola sa manila


Nagkaroon din ako ng pagkainggit sa aking dalawang ate, dahil nga kay lola, naalala ko pa ng nagkaskit ako noong grade 5, pabalik-balik ang lagnat ko noon, hindi pa ako pinadalaw ni lola sa hospital kasi daw gagaling din daw agad ako yun ang sabi nya kay mama at papa 50-50 na ako noon ng dalhin ako sa hospital at dahil ditto nalaman na nila mama, papa at lola na nadengue nap ala ako lalo akong nagalit kay lola inisip ko pa nga noon nab aka hindi ako mahal ni lola mula noon hindi na ako umasa sa aking lola, nawalan na ako ng tiwala sa kanya.

Abril 2007 dumanas kame ng kahirapan, Nabangkrap ang pinagkakakitaan nina mama at papa, ito ay ang gawaan ng stainless, naging usap usapan din ang pagkakabangkrap n gaming stainless, keso daw nalubog sa utang, panget daw kasi ang gawa ng mga trabahador nina papa at mama ng mga tinidor, serving spoon, pinggan, baso at kung anu-ano pa na yari sa stainless. Pati ba naman sa mga tiyahin ko hindi kami nakalampas kinukutya din kami, at pinag uusapan pa minsan na sabi pa ni tita Gerlyn na ampon lang daw kaming lahat at kami daw ang nagpapamalas kina mama at papa. Hindi ko akalain na ganito pala talaga ang ugali ng mga tiya ko, kapag wala kang pera wala ka ring halaga sa kanila. Sobra kong dinamdam ang mga ito. Minsan nga naitanong ko sa sarili ko na sila ba talaga ang kapatid ni mama, hindi naman kasi sila ganoon dati ng kami ay may pagawaan pa ng stainless. Akala ko magbabago pa ang ugali nila, pero ilang taon pa nakakalipas ganon at ganon pa rin ang ugali ng mga tiyahin ko sa amin.

June 4, 2007 first day of class in high school ko sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o mas kilala sa pangalan na Dizon High. Hindi naging madali sakin ang pagiging 1st year highschool, dahil ang daming pagbabago, ibang tao na naman ang pakikitunguhan ko, pero nasanay na rin ako, dito ko nakilala ang mga bago kung mga kaibigan na sina Janica, Maricon, at Bea, pero talaga palang  sa mundo ng pakikipag kaibigan hindi maiiwasan ang magkaroon ng tampuhan o awayan. Nag kaaway kami nina Janica kaya nahati sa dalawa ang aming dating isang grupo. At unti-unti kaming nalayo sa isa’t-isa, hanggang sa matapos ng 1st year hindi na kami nagkaayos pa.
2008 na pero wala pa ring pagbabago sa section ko, H pa din ang section ko nung 2nd year. Ditto masdumami pa ang kaibigan ko, akala ko hindi na kami magkakaayos ni Janica at Bea pero nagging ok din pala, dumami pa lalo ang kaibigan ko yun nga lang napalayo sa amin sina Maricon at Bea tumaas kasi ang section nila. Nakilala ko naman sina Legaspi, Landico, Reyes, Garay, Belen at si Abuyabor.sa pagiging 2-H ko naging vice president ako at ang president namin ay si Reyes, pero sakin pinagkatiwala ng aking teacher ang lahat pati ang paniningil at pagpapatago sa akin ng pera, nawala ang pagtitiwala ni Mrs. Baylon ang adviser ko noong ako ay 2nd year, dahil sa pagiging pabaya nito at palaging na absent at napabayaan niya ang kayang pag-aaral. Nakaaway ko ina Landicho at ang mga kaibigan ko dahil lang sa pagiging vice-president ko, kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako tatanggap ng katungkulan kahit na kalian para wala akong makaaway. Simula pa noon hindi na kami nag kaayos pang muli, walang imikan, walang kibuan hanggang sa matapos ang school year.
Ang bilis ng panahon hindi ko namalayan na 3rd year na pala ako. Nag karoon ako ng crush sa isa kung classmate, pero ni isa sa mga kaibigan ko na wala silang nalalaman   kung sino ang crush ko, dahil dail alam ko na ang crush ko ay crush din ng best friend ko, ayoko naman na magkaaway kame ng dahil lang doon.
Feb. 13, 2010 masaya ang lahat ng 3rd year at 4th year dahil J.s na namin. Nagging napakasaya ko ulit ng mga araw na yun, dahil para sa akin ito ang Masayang party para sa akin. Ewan ko nga lang sa iba. Ditto marami akong nakasayaw at nakilala, pati ang crush ko nakasayaw ko din yun nga lang di ko siya masyadong makikita kasi graduation na nila sa March 2010, magtatapos ang buwan ng Feb.  nabuo ang aming tropa na kung tawagin ay Tropang Matikal ang myembro nito ay ang mga bago kung kaibigan na sila Rose ann, Janica, Malabag, Eldren, Jimboy, Allen, Aljon, Melvin, Jet, Edibon, Marasigan, at si Putungan. Napaka maalalahanin, masayang kasama maalaga at mapagbiro. Dahil diyan tinuring ko silang kapatid o baka nga mas higit pa. sa kanila ko sinsabi ang problema ko pag my problema sa bahay o sa buhay namin, dati rati kasi hindi ako nagsasabi ng tungkol sa buhay ko.
birth day ni lolo



March 1, 2010 4:30 umuwi ng maaga dail sa sobrang pagod ko galing sa school. Pagdating ko sa amin sinalubong agad ako ni lolo na nakangiti at sabay sabi sa akin na hilutin ko daw ang kanyang likod. Sabi ko naman kay lolo na mamaya nap o kakain lang ako. At pagkatapos kung kumain tinawag ako ni ate at sinabi niyang pumunta daw ako kina lolo at sumisingga daw ang sakit ni lolo sa puso. Sinubukan niyang tumayo pero hindi niya nakayanan kaya natumba siya, kaya hiniga na lang siya ng tito ko sa kama. Akala ko noon magiging ok na si lolo ko pero biglang lumabas ang dila ng lolo at may lumabas na maraming tubig sa bibig niya, dahil sa nangyaring iyon umiyak ako ng umiyak dahil sa takot nab aka kung ano ang mangyari kay lolo. Dinala na siya nina mama, papa at ni tito sa hospital pero wala ring nagawa hindi na siya umabot sa hospital at ayun na ang huling araw ng lolo ko. Sobra akong nagdamdam sa pagkawala ng lolo ko, dumating din ang araw na sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkawala ng lolo ko. Dahil kung sumunod lang agad ako sa kanya hindi na dapat nangyari ang ganung pangyayari at sana bumuti pa yung pakiramdam ng lolo ko. Ako kasi ang lagging inuutusan ng lolo ko para hilutin ko siya, gupitan ng kuko at bunutan ng puting buhok, pero ngayon wala na ang lolo ko mamimis ko ang mga ginagawa ko sa lolo ko. Dahil dito natakot na akung maghilot kasi baka dumating yung araw na sa sobrang pagod ko hindi ko na mahilot yung gustong magpahilot sa akin.
March 4, 2010 ng ilibing ang lolo ko, nainis ako kay mama at papa, tiya ko kasi napakadali para sa kanila na ipalibing ang lolo ko ng maaga. Pinilit kung hindi mapaiyak sa oras na ilibing ang lolo ko. Kasi gusto kung maging Masaya ang lolo ko sa bago niyang buhay sa taas. Pero sa kabila ng mga ito sobra akong nalulungkot sa pagkawala ng aking mahal na lolo.
Lumipas ang mga panahon pero di ko pa rin magawang patawarin ang sarili ko. Dahil para sakin ako ang may gawa kung bakit sya wala sa tabi namin Dec. 25, 2010 ng biglang nagparadam sakin si lolo. Inisip ko nab aka nagpaparamdam ang lolo eh dahil baka nakalimutan na naming sya. Pero kahit kailan hindi ko sya makakalimutan dahil mahal na mahal ko sya. Jan. 1, 2011 New years day pero hindi ako masaya dahil 1st time na hindi kumpleto ang pamilya ko wala ang lolo, wala si ate at wala si papa. Tapos may sakit pa si mama pero kahit ganon pinilit ni mama na maging malakas para maging masaya kahit papano ang New year namin kahit na kami kami lang at ngayon ilang buwan na lang at malapit na ulit ang aming graduation sana kahit sa mismong araw na aking graduation magpakita sakin si lolo at dumating na sana si lola. Ngayon na malapit na akong magtapos patutunayan ko talaga kay Mrs. Ginto na makakatapos ako, ilang taon na lang ang aking pagtitiisan sa aking pag-aaral at pagkatapos kung mag_aral maghahanap ako ng magandang trabaho at tutulungan ko sina mama at papa. Kahit na alam ko na ang buhay ay punong puno ng pagsubok.






                                                              "Me and mY Family"

No comments:

Post a Comment