Thursday, 24 February 2011

AMAZING

Talambuhay ni Joanna Marie

Ako si Joanna Marie Isla Senes
ako si Joanna Marie Senes


ipinanganak noong April 25, 1995 ako ay labing limang taong gulang pa lang, nakatira sa Brgy. Del Remedio San Pablo City. Kami ay limang magkakapatid ako ay pang apat sa amin ang panganay ay si Mark Joseph siya ay dalawamput limang taong gulang siya ay nag Elementary at High School sa pampublikong paaralan at gumaraduate siya sa Laguna State Polytechnic College, at ang sumunod ay si John Marvin dawampung taong gulang sa pampublikong paaralan din siya nakapag-aral at gumaraduate siya sa AMA computer Learning Center, at ang sumunod ay si Jenny Mae siya ay labing pitong taong gulang nag-aaral siya sa Laguna College at ang bunso ay si John Michael siya naman ay siyam na taong gulang at nagaaral siya sa pampublikong paralan sa amin. Ang magulang ko naman ay sina Rosalinda Isla Senes at Salvador Salazar Senes, kami ay nabubuhay ng masaya maski na paminsan-minsan ay nag-aaway kaming magkakapatid.
Ako noong Gumaraduate ng Kinder
Ako ay nakilala sa pangalan na Joan at mabait na bata pero minsan naman ay pasaway. ako ay nag-aral sa edad na limang taong gulang sa kinder, ako ay iyakin pa noon kasi ayaw ko ng iniiwan ako ng mama ko pag ako ay hinahatid sa eskwelahan, dahil takot akong umalis siya at baka hindi niya na ako balikan at noong ako ay limang taong gulang, ang mama ko ay nagdadalang tao simula noon kinuha ako ng mama at papa ko ng mag-aalaga sa akin, dahil sa siya ay manganganak at hindi niya na kayang magbantay sa akin at ang nakuha nga nila ay si Ate Oliv, simula noon siya na ang nag alaga sa akin naghahatid sa school, nagpapaligo at nagpapakain kapag ang mama at papa ko ay wala at busy sa pag tatrabaho. Pero masaya pa rin ako dahil ginagawa ng papa at mama ko ang lahat para lang may maipakain lang sa aming magkakapatid at nakagraduate ako ng kinder wala akong sabit pero ok lang iyun basta nakagraduate ako ng Kinder
     Ako ay nakatungtong na sa Grade 1 ang saya ko noon dahil may bago na naman akong kaklase at kaibigan at simula noon hindi na ako nagpapahatid sa paaralan, dahil sumasabay na lang ako kina ate at kuya para masanay akong mag-isa, na hindi umaasa sa iba. Pero parang inspirayon ko yun pra naman hindi nila ikumpara sa mga kapatid ko. At para matuto na ako at ayun nga ang nangyari, may natutunan ako noong ako ay Grade 1 naalala ko pa noon na umiyak ako dahil sa napagalitan ako ng teacher ko dahil lang sa pag papahiram ko ng notebook ko sa kaklase ko. At ang hindi ko makakalimutan yung kaklase ko na lalaki na si jeric, dahil siya ang napakatapang naming kaklase nakakatakot siya kapag nagagalit nagdadabog at ginugulo niya ang mga upuan.                                                                                                                                           At nung nakatungtong na ako ng Grade 2 bagong taon at panibagong kakilala na naman at panibagong kaibigan na naman pero hindi kami masyadong nakakapag laro dahil walang masyadong oras para sa paglalaro.                                                                                                                                            Grade 3 na ako wala pa ring pagbabago lagi na lang akong napapagalitan, at lagi na lang akong naikukumpara sa mga kapatid ko na sila daw ay matalino, masipag at maaasahan. Hindi ako masaya dahil noong ako ay grade 3 ay puro pangit na alaala at puro na lang ang kapatid ko ang nakikita nila kaya noong ako ay grade 3 may galit ako sa kanila pati na rin sa mga taong pinapakailamanan ang buhay ko
Grade 4 masaya ako dahil maraming kaibigan at bagong kakilala na naman ako napakasaya talaga ng taon na iyon dahil lahat kami ay magkakasundo lahat sa isang bagay, kung ano yung gusto ng isa lahat ay gusto na rin. Ako ay simple lang pero may kagaslawan at kakulitan pero hindi ko yun dinadala sa school sa bahay lang baka kasi yung kagaslawan at kakulitan ko ay makasakit ng iba at ayoko ko talagang nakakasakit ng kapwa ko.                                                                                                                                                Grade 5 na ako marami na namang nagbago, bumalik na naman yung punto na hindi na naman gumanda yung aking paggiging grade 5 dahil sa pinag kukumpara na naman ako sa mga kapatid ko kaya galit nag alit ako sa sarili ko dahil hindi ko sila mapantayan kaya pinagsikapan ko pa lalo ang pag aaral ko pero kahit na nagsisipag ako hindi ko pa rin talaga mahigitan ang mga kapatid kaya simula noon na walan na ko ng pag asa na mag ayos pa sa pag aaral hindi ko na rin naman kaya. Kaya ang ginawa ko hindi ko na pinapansin yung mga sinsabi ng mga tao, hindi na ako nagpapaapekto sa mga sinasabi ng iba. Bakasyon na sumaya ako dahil sa bakasyon na nga makakapag laro na ako kasama ng mga batang tagasa amin. Sumapit ang birth day ko ang ganda ng regalo sa akin ng papa at mama ko dahil sa binigyan niya ako ng magandang birth-day. pinag handa nila ako kahit na hindi ako naging mabuting anak,                                                                                 Grade 6 na ako ito na ang pinaka masayang taon para sa akin dahil sa graduating ako marami akong ginawang masasaya para meron akong memorable sa aking naging paaralan noon at hindi ko lalo makakalimutan ang mga naging kaibigan ko, dahil sila lang ang tumutulong sa akin, sila rin ang mga taong may mabuting kalooban. At hindi ko talaga makakalimutan yung Validictorian namin sa kanya ako bumilib sa kanya ko nakita ang pagiging masipag sa pag aaral siya yung tipo ng tao na para bang taong walang nakapaligid sa kanya dahil puro pag aaral ang inaatupag niya, siya ay napaka-tahimik at mabait. Kaya na isip ko na kung magiging katulad niya ako magiging matalino rin ako, kaso huli na ang lahat gagraduate na kami magkakalayo din kami at ng mga kaibigan ko hindi ko na siya makikita pang muli. at dahil nga pagraduate na kami inisip ko kung saan ako papasok ng high school at dahil aakyat na nga kami sa intablado hindi naming makakalimutan ang mga bawat saglit na pagsasama namin. sa wakas graduate na kami. Bakasyon na. masayang bakasyon ang naranasan ko, ito na ang pinakamasayang bakasyon sa buhay ko dahil magkakasama kaming lahat buong pamilya namin ay magkakasamang nagbakasyon sa La union sa lugar kung saan lumaki ang mama ko, nagpunta kami sa Baguio at namasyal kung saan saan para naman mas sumaya pa ang pagbabakasyon namin. Memorable na bakasyon hinding hindi ko talaga makakalimutan iyon. At ang isa pang hindi ko makakalimutan ay ang Birth day ko dahil napakaraming handa at nagpa swimming pa ang papa ko siya lahat ang gumastos para lang maging masaya ang aking kaarawan nagpapasalamat ako sa mama at papa ko dahil binigyan niya ako ng magandang kaarawan at masaya ang mga kaibigan ko dahil nakasama sila at laat ng kapitbahay naming ay imbitado masayang-masaya talaga ako.
Pasukan na naman 1st year na ako panibagong pagsubok sa buhay ko, marami na naman akong kakilala at kaibigan masaya ako dahil unang pasukan pa lang ay may nakilala na kaagad ako, at nakipag kaibigan pa siya sa akin. Masaya ang section namin ang section ko noong ako ay 1st year ay I masaya kami kasi nakakapag-laro pa kami ang nilalaro naming noong kami ay 1st year ay mga larung pambata kagaya ng sipa bola, paltok bola at kung anu-ano pang mga larung pambata nakakatuwa nga eh kasi yung pagsipa ng kaklase sa bola lumipad yung kanyang sapatos, tawa kami ng tawa napakasaya talaga ng section na iyon walang araw na hindi ako sumaya dahil masaya silang kasama at napaka memorable, doon ko lang naranasan ang masasayang araw na hindi talaga makakalimutan sila yung tipo ng tao na hanggat hindi ka masaya hindi sila titigil magpatawa para lang maging masaya ka rin, at dahil doon yung tinatago kung kagaslawan ay nailabas ko at sa kanila ko naranasan yung pagiging masayahin.
2nd year na ako napakalungkot ko naman dahil ako lang ang napahiwalay sa aming magkakaklase dahil sa late akung nag-enroll lalong bumaba ang section ko. Pero ok na rin iyon dahil may nakilala na naman akong panibagong kaklase. Ang swerte ko nga kasi sila yung nagtatanggol sa akin kapag ako ay inaaway ng mga kaklase kong lalaki o babae, Sa kanila ko rin natutunan kung paano lumaban kapag inaapi at kung paano tumulong sa iba. Mahirap sa akin ang pagiging 2nd year dahil habang tumatagal lalong humihirap ang mga pinag-aaralan sa bawat quarter, pero tiniis ko iyun para makapasa lang ako. May mga magandang karanasan din ako ang karanasan na hindi ko talaga makakalimutan ay ang pag-iimprove ko.

Mga Kaibigan ko
3rd year na ako muli kaming nagsama-sama ng mga dati kong mga kaklase. muli na naman kami nagkasama, ang mga pasaway at makukulit at nakakatuwang tropa.





Ako at ang iba kong Kaibigan
Lagi kaming magkakasama kahit saan man kami pumunta,na punta kami Lake at kung saan-saan basta masaya ang tropa. Maraming nangyaring masasaya, nagkameron ng konting kasiyahan at salu-salo sa bahay na kaklase ko dahil kaarawan nya hindi naman pwedeng hindi kami pumunta kasi nakakahiya kay tita ang nanay ng kaklase kong may kaarawan, nakakahiya naman kung hindi kami pumunta.At ang pagkakameron ng SHINDIG. Naging maganda ang kinalabasan ng concert na iyon masaya, gabi kami nakauwe, maraming masayang pangyayari, nakasama namin ang aming crush at ang mga cute na classmate namin. at nagkaroon din ng Junior Senior Prom (JS) hindi ko nakayanan ang magdamag na gising at hindi ako sanay sa puyatan kay papikit-pikit ako, kaya hindi ako masyadong nagenjoy sa JS namin noong ako ay 3rd year. papirmahan na ng clearance magkakasama pa rin kaming magkakaibigan kinakabaduhan nga ako kasi baka hindi ako makapasa sa 3rd year eh pero hindi nangyari yong kinakakatakutan ko pumasa ako kaya ang saya-saya ko at ng mga kaibigan ko at bakasyon na naman ang saya namin nag swimming kami sa Sflash Mountain gabing-gabi na kami nakauwi mga alas tres na ata ng madaling araw.masayang alaala.
4th year na ako, nung unang pasukan hindi ako nakikipag usap sa kaklase ko dahil nahihiya ako sa kanilang lumapit. May bago na naman akong buhay may mga bagong kaibigan at bagong kaklase at doon ko nakilala sina Crizza, Norine, Rachelle,joan,
Rochelle, Joan, Crizza , Joanna, Renato at Malabag

No comments:

Post a Comment