picture sa may liblary ngayong 4th year |
Ako si Regine A. Untiveros na mas kilala sa tawag nila sa aking Rhegz, na labing limang taong gulang, na ipinanganak noong Mayo 01, 1995, nakilala ako sa pag-uugali kong mataray, makulit, pasaway pero palakaibigan naman, nagsimula akung pumasok ng ako’y limang taon gulang palang, masayang-masaya ako sa unang pasok ko sa paaralan, dahil alam kong marami akong matutunan at hindi ako nagkamali, dahil dito nagsimulang dumami ang kaibigan ko halos lahat kame magkakasundo, lalo na pag- natutulungan sa paggawa ng takdang aralin. Sabik na sabik akong pumasok dahil nakikita ko ang panganay kong kapatidna tinuturuan ng aking ina na bumasa at sumulat lagi nga akong nakikisali eh!!! dahil dalawang taon ang agwat ng edad namin, mas nauna siyang pumasok, baliktad ang gusto namin, mas gusto kung pumasok ng maaga at ang kuya ko ayaw pang pumasok ayaw pa niya napipilitan lang siya, lagi naming siyang inihahatid at sinusundo, malapit lang ang bahay namin sa paaralan na pinapasukan, pero hind kami pinapalabas nasa bahay lang ako at nanonood lang ng television. Kaya gusto ko nang pumasok sa paaralan, masaya kasi ang pumasok sa paaralan maraming nagagawa. Nakaugalian ko na at ng batch naming na pagdating sa paaralan ay madalas at awitin ang mga awiting pambata nagging malaking tulong ito sa paghubog ng aking pagkatao.
Nang pumasok naman ako ng grade 1 naging madali ito sa akin sa tulong ng karanasan ko sa kinder marami rin akong naging kaibigan, masaya kami pag naglalaro ng mga kaibigan ko na ang nilalaro naming ay tagu-taguan, sipa, luksong baka, at iba pa.kapag nasa bahay naman kadalasang panlalaki ang mga laro namin kasi mas marami kaming pinsang lalaki at tatlo lang kaming magpipinsang babaepero lahat kaming magpipinsan ay malapit sa isa’t-isa ang paburito naming laruin ay ang pagtetext at paglalaro ng lastiko.
Hindi pa rin nagbabago ang mag kaklase ko simula noong kami ay kinder hanggang gumaraduate ng elementarya, dahil iisa lang naman ang section sa amin eh!!! Dahil sa haba ng aming pagsasamahan lalo pang naging mas matatag ang aming pagkakaibigan, pakiramdam ko kapag ako ay nasa iskwelahan, parang kapatid ang turing ko sa kanila, dahil kung ano ang meron ang isa nagbibigayan kami parang magkakapatid. Wala nga akong itinuturing na bestfriend dahil sa kapatid na nga ang turing ko sa kanila, kapag dumating na ang oras ng recess lahat kami ay naglalaro na at kung anung baon ng isa sa amin nagbibigayan para hindi unfair mapalalake o mapababae man ay nakikipag laro sa amin ng jackstone. Wala kaming pakialam kung lalaki man o babae ang kalaro naming basta masaya kaming naglalarong magkakaibigan, masaya din naman ang mga kaklase naming lalaki kapag kami ay nakikisali sa laro nila kaya nga kaibigan diba.
Noong grade 3 naman kami napaka memorable ang taon na iyon sa akin, dahil ang saya-saya ng taon na iyon, natutuwa nga ako pag na aalala ko noong kaming magkakaibigan ay naglalaro ng chinese garter, naiwan ko yung palda ko nakalimutan ko na nga kung kalian pauwe na kami nalala ko yung palda ko at nung balikan ko ang palda ko wala na doon. Sanay kasi akong maghubad ng palda kapag maglalaro ako, mas madali kasing maglaro kapag naka short lamang at walang sagabal sa pagtalon ko.
At ang Hindi ko makalimutan ay ang kaklase naming lalaki na si Gabriel na napatakan nang sirang upuan, hindi ko talaga makalimutan iyun kasi ayaw niyang ipagamot ang sugat niya sa teacher naming, kaya ginawa naming magkaklase inaliw namin ang kaklase naming lalaki na si Gabriel para magamot ang kanyang sugat ang ginawa ko aman ay binuhusan ko ng alcohol ang kanyang sugat kaya galit na galit siya sa akin.
At noong tumuntong na ako sa grade 4 nakakainis na yung iba kong kaklase at kaibigan, kasi nagkameron na sila ng mga bagong kaibigan at barkada hindi na kami masyadong nagkakasama, pero pag naglalaro kami nakikisali sila hindi naman ako makapang gaslaw kasi kamag anak namin ang teacher baka isumbong ako sa papa ko. At ang masama ay doon din sa taong iyun namatay ang lola ko yung mama ng papa ko, nakakainis nga dahil 73 pa lang siya at malakas, dahil lang sa pagkakadulas kaya siya nagkakomplikasyon at doon na nagsimula ang pagsumpong-sumpong niya, ang asawa niya matagal patay ni hindi ko na nga naabutan sa picture ko nga lang nakita, kaya kami na lang ang tumutulong sa kanya nalungkot nga ako, kasi ako at anglola ko ay malapit sa isa’t-isa, siya nga ang tumulong sa mama ko na dalahin ako sa hospital noon kasi nung kinder pa ako masakitin na ako napakapayat ko na ni hindi na ako makakain, lahat nang kinakain ko maparami man o mapaunti isisnusuka ko rin nag iiniyak nga sina lolo at mama nung nagkasakit ako ang papa ko naman ay nasa pampangga dahil sa may inaasikaso. Pero agad rin akong gumaling, lagi kong kasama ang lola ko inaasikaso niya ako palagi kaya nung siya naman ang nagkasakit inasikaso ko rin siya. Pagkalabas naman niya sa hospital lagi naman akung nasa bahay niya para alagaan siya at bantayan, ang bahay kasi niya ay katabi ng bahay naming kaya minsan sa lola ko ako natutulog. Siya ay may 10 anak may kaniya-kaniyang pamilya na ang 3 ay nasa pampangga dahil doon naman talaga nakatira lumipat lang sila dito at yung anim kasama niya ditto, yung isa ay nasa alaminos na nakatira. Nang may sakit ang lola ko lagi ko siyang kinakausap tulad ng nakasanayan ko pero lagi bang parang pagpapaalam ang sinasabi niya sa akin ilan buwan na lang ang itinagal niya parang hinintay niya lang yung tita kong nasa japan na umuwi dito sa pilipinas, dahil 10 taon silang hindi nagkita isang araw na lang ang hihintayin niya hindi na siya umabot namatay na siya noomg gabing pagkamatay niya napanaginipan ko pa
picture ko sa oval ang laki talaga ng dizon high |
siya na nilalambing niya ako at pinapalinis niya pa yung kanyang pustiso at sinabi niya sa akin na huli na daw yung pagpapalinis niya sa akin ng pustiso niya kaya wag na daw akong magreklamo, at paggising ko ng maaga wala sa tabi ko ang mama at papa ko at nandoon na sila sa kabilang bahay at ang lola ay wala na pala Feb. 21 siya namatay birthday ng pinsan ko ng mamatay ang lola, malungkot kaming lahat at sa pagdatin ng tita josie galing japan nasa daan pa lang siya ay umiiyak na siya ni hindi niya matanggap ang pagkawala ng lola pero medyo masayang malungkot ako dahil lahat ng mga kamag-anak namin ay dumating galling pang Pampangga at Batangas nagging banding na rin para sa amin dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita, pagkalibing ng lola nagkaroon kami ng panahon para magkasama-sama nagkaroon ng kaunting pagsasalo at nagkaroon pa ng swimming at isang buwan silang namalagi sa amin at pagkatapos ng isang buwan na pamamalagi sa amin umalis na sila at isinama pa ako ng mga pinsan ko sa pampangga naka isang lingo rin ako doon hindi naman nakakainip kaso hindi ko lang maintindihan ang kanilang salita.
Noong grade 5 naman ako wala na
man masyadong kakaiba, nang grade six naman ako naging masaya ako dahil dumami ang kaibigan ko at madami rin akung natutunan tulad ng paggagantsilyo at pagluluto, hindi na rin kami masyadong naglalaro kasi naiisip ng iba na dalaga’t binate na kaming magpipinsan kaya kwentuhan na lang kami, pagkabagong taon nagkaroon ako ng sakit, isang buwan akong hindi nakapasok dahil sa sakit kong U.T.I marami akung na miss na klase pero nakapasa pa rin ako at nakagraduate ako at nagpapasalamat ako dahil nakagraduate ako.
man masyadong kakaiba, nang grade six naman ako naging masaya ako dahil dumami ang kaibigan ko at madami rin akung natutunan tulad ng paggagantsilyo at pagluluto, hindi na rin kami masyadong naglalaro kasi naiisip ng iba na dalaga’t binate na kaming magpipinsan kaya kwentuhan na lang kami, pagkabagong taon nagkaroon ako ng sakit, isang buwan akong hindi nakapasok dahil sa sakit kong U.T.I marami akung na miss na klase pero nakapasa pa rin ako at nakagraduate ako at nagpapasalamat ako dahil nakagraduate ako.
Ako nung 1st year |
Sa wakas 1st year na ako, pagpasok ko ng 1st year maraming nagbago dahil wala akong kakilalang kaklase ko, at ang layo pa ng paaralan sa bahay namin ang tahimik ko pa nung unang linggo ng pasukan, pero naging masaya ako dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan sa mga kaklase ko at masaya ako dahil lagi kaming magkakasabay na kumain at pag-uuwi naman magkasabay kami ng kapatid ko. Nagkameron kami ng play para sa Filipino na ang pamagat ay Ibong Adarna ang character ko doon ay si Leonara pero hindikami nagpapractice kaya hindi kami nakasali sa play. Nung Christmas party naman naming ang saya-saya bukod sa wala kaming nagastos dahil libre lahat ng teacher naming na si Mam Bautista at nagpalaro pa ito ang saya talaga ng parting iyun. Nang 2nd year naman ako nagging pasaway na ako napatawag pa ang magulang ko dahil sa pangagaslaw ko sa klase kay Mam Lingad pero dinala ko ang magulang ko para maayos na ang problema ko at naayos ito at ang dami talagang masasayang nangyari sa akin, dahil nakasama ko ang mga kalase ko na umakyat ng bundok, naranasan ko ring maglakad ng malayo dahil nilakad naming ang Sta.Veronica, halos lahat din kaming magkakaibigan. nang 3rd year naman ako nagging palaaway ako, yung kaklase ko na pinuntahan naming sa fiestahan inaway ako ng kaibigan ko dahil nagsumbong daw ako sa adviser naming hindi ko naman inurungan ang kaklase ko dahil alam kung nasa tama ako pati nga yung kaklase ng kapatid ko inaway ko dahil sinabihang walang alam at silahis ang kapatid ko.
Christine at Ako |
Nang naging 4th year naman ako madami akong kaklaseng makulit pasaway at mataray isa na rin ako doon at nagkameron ako ng bagong kaibigan ito ay sina Christine Cario at Anjelica Tabigne. malapit na ang aming pagtatapos kaya sinusulit ko na ang bawat araw sa paaralang minahal ko na hehehe….i love you all…….